DAGUPAN CITY – Muling kinumpirma ni Provincial Administrator Melecio Patague II ang appointment nito sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

Hiningi ni Patague ang suporta ng SP sa kanyang muling pagkakatalaga bilang provincial administrator.

Nangako naman ito na gagawin lahat upang suportahan ang vision at mission ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III at ni Vice Gov. Mark Ronald Lambino.

--Ads--

Ani Patague, masaya siya na paglingkuran ang mga Pangasinense at makakaasa ang lahat na siya ay makikibahagi sa pagpapatuloy ng mga magagandang plano, programa at proyekto ng pamahalaan na magpapalago sa larangan ng kalusugan, edukasyon, agrikultura, pagprotekta, conservation, preservation ng kapaligiran at good housekeeping at pagtatayo ng economic enterprises.

Dagdag pa niya kabilang sa mga nilalayon ng Guico administration ay matutugunan ang mga health issues ng mga empleyado ng kapitolyo o mga manpower ng provincial at makaavail ng mga loan privileges, scholarship program, healthcare program at maraming pang iba.