Maituturing na polliticaly inclined ang pagtitipon ng libu-libong indibidwal sa labas ng Kongreso sa kabisera ng Brazil upang iprotesta ang isang hanay ng mga panukalang batas na sinasabi nilang nagbabanta sa rainforest ng Amazon.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Roy Balingcos na ilan sa mga residenteng lumahok sa naturang aktibdad ay pawang tumutuligsa sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Jair Bolsonaro.

Aniya ang protesta ay para salungatin ang panukalang batas na sinasabi nilang nagbabanta sa rainforest ng Amazon sa pamamagitan ng paghikayat sa deforestation at aktibidad sa industriya sa mga protektadong lupain ng Katutubo.

--Ads--

Pagsasaad din nito na ginagamit lang ng ilang mga political leaders ang mga indgenous groups para sa kani-kanilang mga propaganda laban sa pamahalaan.

TINIG NI ROY BALINGCOS

Pinangunahan ng naturang kaganapan ang sikat na musikero mula sa kanilang bansa na si Caetano Veloso, na nagdala ng iba pang marquee artist pati na rin ang higit sa 200 non-profit na grupo.

Aniya pitong taon ng prinoprotektahan ng gobyerno ang kalikasan kung kaya’y ang isinagawang protesta ay may bahid lang aniya ng pulitika

Dagdag naman nito na ang amazon rainforest ay may malaking gampanin sa mundo kung saan 60% ng oxygen ay nagmumula rito.

Ang naturang panukalang batas ay may malawak na suporta sa mga kaalyado ni Bolsonaro at ang makapangyarihang lobby sa Kongreso.