Patuloy ang ginagawang protesta at demonstrasyon ng mga Pro-choice supporters ng pagsasalegal ng abortion sa Amerika.

Ayon kay Bombo International Correspondent Estella Fullerton mula sa Montana, USA, nag-ugat ang pagkakaroon ng malawakang protesta sa kanilang bansa dahil sa pagbaliktad sa Roe v Wade o ang 1973 decision na nagsasalegal sa abortion sa naturang nasyon.

Aniya, nasa 50 na US states ang nagbigay ng suporta sa abortion rights at makikita sa mga nasa protest signs ay may nakalagay na, “Make abortion legal”.

--Ads--

Ang naturang protesta ay inorganisa ng nasa likod ng Women’s March.

Dagdag ni Fullerton marami umano ang sumusuporta sa women’s rights ngunit tila may ilan naman na hindi pabor sa abortion lalo na kung sa pansariling kagustuhan lamang iyon ng isang tao at hindi naman umano biktima ng rape o anumang sexual abuses.

Bombo International Correspondent Estella Fullerton