Dagupan City – Naging maayos at mabilis ang naging proseso ng kakatapos na local at national election dito sa lungsod ng Dagupan ayon sa Commission on Election o Comelec Dagupan.
Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento ang siyang Comelec Officer, na wala silang kinaharap na mga problema at lubos ang pasasalamt nito sa dahil nagging mabilis din ang pagtransmitt ng mga datos mula sa bawat voting center.
Mayroon lamang na isang voting center ang natagalan sa pagtransmitt dahil sa naranasang mga pag-ulan na dahilan sa mahirap na signal. Ngunit sa pangkalahatan naman ay walang naging problema dahil tuloy tuloy naman ang coordination ng mga electoral boards sa kanilang opisina.
Aniya na agad ding nakapagproklama ng mga nanalong kandidato matapos na makumpleto ang mga results at hindi gaya sa nakalipas na eleksyon na kinabukasan pa ito naisagawa.
Dagdag pa nito na mataas din ang naitalang voter turnout ng Comelec Dagupan na umabot sa 87.51% o katumbas ng 126,442 registered voter na bumoto sya syudad.