DAGUPAN CITY- Mabagal man ang proseso subalit, buong nagtitiwala pa rin ang Rise Up for Life and For Rights sa isinasagawang prosesos ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rubylin Litao, Coordinator ng Rise Up for Lie and For Rights, aniya, malaki ang kanilang tiwala sa ICC sa paghahanap pa ng mga karagdagang ebidensya laban kay Duterte sa kasong Crimes Against Humanity.

Aniya, nakikita nila ito bilang tuloy-tuloy na proseso upang mapanagot ang iba pang sangkot sa kaso, tulad na lamang ni Sen. Bato Dela Rosa.

--Ads--

Buong tinatanggap din nila ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila hahadlangan ang mga kapulisang nais tumestigo.

Gayunpaman, hindi nila maitangging nababagalan sila sa pag-usad ng kaso dahil na rin ilan beses pagkakaudlot ng confirmation of charges.

Ani Litao, patuloy pa rin ang kanilang pagtindig kasama ang mga pamilya ng mga biktima.