DAGUPAN CITY–Patuloy ang field testing ng Golden Rice sa Nueva Ecija at Isabela.

Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estabillo, focal person ng Bantay Bigas, ito ay sa patuloy na promotion ng multi-national corporations sa paggamit ng nabanggit na klase ng bigas bagaman kanila na itong tinututulan dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng tao.

Dagdag ni Estabillo, dahil naman sa lakas ng mga organisasyon ng mga magsasakang kontra sa paggamit ng Golden Rice sa Bicol ay kanilang matagumpay na napatigil ang field testing doon.

--Ads--

Ang Golden Rice ay mayroong beta-carotene o Vitamin A kung tawagin, na siyang kailangan ng ating katawan.

Cathy Estabillo, Focal person Bantay Bigas

Ngunit ayon kay Estabillo ilang kilo pa umano ng Golden Rice ang kailangang makain ng isang tao bago maramdaman ang Vitamin A, na siya naman aniyang makukuha ng mga Pilipino sa dami ng ibat-ibang gulay natin sa bansa.