Dagupan City – Isnagawa ang project validation sa bayan ng Mangaldan.

Kung saan ay bumisita ang validation team mula sa Central Office ng Department of Agriculture (DA) Fields Operations Office – Field Programs Coordination and Monitoring Division sa ilang mga barangay.

Layunin nito na makapagsagawa ng project validation sa kanilang mga iginawad na mga abono, binhi, at iba pang interbensyon sa mga magsasaka ngayong corn planting season.

--Ads--

Sa inisyatibang ito ay nais malaman kung nakakarating sa tamang oras ang mga kaukulang benepisyo at mga subsidiyang bumababa mula sa ahensya laan para sa mga nararapat na makatanggap ng mga ito.

Tinalakay rito nina Patrick Raymund Lesaca, Information Officer IV at Princess Jayne Raz, Agriculturist II, na base sa kanilang isinagawang interview sa mga piling magsasaka sa bayan, ay satisfied umano at nakakarating nang maayos sa mga magsasaka ang lahat ng kanilang mga iginagawad na government interventions.

Sinang-ayunan naman ito ni Atty. Cerdan at sinabing nararapat lamang na napapanatili at napapalago ng mga benepisyaryo ang lahat ng tulong na kanilang mga natatanggap mula sa lokal na pamahalaan at departamento.