Dagupan City – Muling nagsagawa ng seminar ang Pangasinan Dental Association (PDA) Pangasinan Chapter at mga Rural Health Units ng Bayambang para sa Batch 1 ng Project Buntis bilang bahagi ng 2025 Oral Health Month Celebration.

Ang proyekto ay ginanap sa JKQ Medical & Wellness Center (JKQMWC) at naglalayong magbigay ng kaalaman at serbisyo sa kalusugan ng mga buntis sa komunidad at isang mahalagang hakbang upang magbigay ng tamang kaalaman at serbisyo sa kalusugan ng mga ina.

Tinalakay din dito ang “Nutrition during Pregnancy,” at “Maternal Health”, presentasyon na nagbigay ng mahalagang impormasyon ukol sa mga kinakailangang nutrisyon at tamang pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol.

--Ads--

Matapos ang mga talakayan, nagkaroon ng tour ang mga buntis sa iba’t ibang pasilidad ng JKQMWC, kabilang na ang Dental Clinic ng ospital at ang bawat buntis ay binigyan ng libreng oral prophylaxis/cleaning.

Bilang bahagi ng programa, bawat buntis ay binigyan din ng pasteurized milk mula sa Mangayao Dairy Farm Milk upang matulungan ang kanilang nutrisyon at kalusugan sa buong pagbubuntis.

Ang programang ito ay patuloy na layuning mapabuti ang kalusugan ng mga buntis at mapalakas ang kamalayan ukol sa kahalagahan ng oral hygiene sa bawat ina at sanggol.