BOMBO DAGUPAN- Nagtuloy-tuloy umano ang Pilipinas sa pag lawak pa ng ekonomiya ng 6.2% kumpara sa ibang bansang kasama sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) nang umupo sa pagkapresidente si Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang ipinakitang progreso ni Department of Finance Secretary Ralph Recto ng bansa sa isinagawang Philippine Economic Briefing (PEB) 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, ngayon araw, ika-27 ng Mayo.

Inihayag din ni DOF Secretary sa mga senior officials mula sa economic development at infrastructure agencies, gayundin sa mga kinatawan ng private sector ang pagiging handa ng bansa na maging isang “trillion-dollar economy” sa wala pang isang dekada.

--Ads--

Kaugnay nito, inaasahng aabot sa pagitan ng 5.8% hanggang sa 6.3% ang paglago ng ekonomiya nitong taon kung saan mahihigitan pa umano ang mga ibang bansang kabilang sa ASEAN.

Dagdag pa niya, ang naging progreso ay ang nagpababa sa debt-to-gross domestic product (GDP) ratio sa 55.9% sa 2028.

Pinuri naman ni Recto si Pangulong Marcos Jr. dahil ito umano ang resulta ng kaniyang tinugunang papel sa pagtataguyod ng mga foreign investment.