DAGUPAN CITY – Binatikos ni Pangasinan vice governor Mark Ronald Lambino ang mga indididuwal na pinupulitika ang health care program ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Lambino, hindi dapat pulitikahin ang programang pangkalusugan o ang Guiconsulta para sa mga Pangasinense.
Aniya, unang una ito ay national program para sa lahat ng mamamayan sa bansa.

Paliwanag nito na sinubukan lamang itong ipatupad ng local na pamahalaan dahil nakita nito na hindi nakakaabot ang libreng medical services na ibinigay ng pamahalaan sa lahat.

--Ads--

Upang hindi mahirap hikayatin ang mga Pangasinense na magpakonsulta dahil sa l ang daing ng iba ay wala silang pamasahe at pagkain kaya naman sinagot ng pamahalaang panlalawigan ang transportasyon at pagkain ng mga magpaparehistro sa Konsultasyong Sulit at Tama o konsulta ng Philhealth.

Ang programang ito ay nagpapalakas din ng kamalayan at edukasyon sa mga mamamayan ukol kahalagahan ng pagpapanatili ng kanilang magandang kalusugan.

Dagdag pa ni Lambino na mula sa labing apat na ospital ay magdadagdag pa ng isa pang ospital kung saan ay itatayo naman sa bayan ng Alcala.