DAGUPAN CITY- Muling naghandog ang pamahalaaang panlalawigan ng Pangasinan ng libreng sakay para sa mga nagsisiuwian para idaos at humabol sa mga magseselebra ng bagong taon.
Sa programang ito ay mayroon ang 4 na provincila bus ang ginamit simula noong December 24.
Labis naman ikinatuwa ng mga magsisiuwiang taga-Pangasinan ang nasabing programa dahil sa malaking tulong na hatid nito sa kanila. Maliban sa mas mapapadali ang kanilang pa-uwi ay hindi na sila mababahala sa mataas na halaga ng pamasahe.
Karamihan sa nakikinabang ay ang mga kabataan, lalo na ang mga mag-aaral, upang makauwi sa probinsya lalo na ngayon holiday season.
Matatandaan naman na nagawa nang ihandog ito ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa mga magsisiuwian mula sa syudad ng Baguio noong buwan ng Oktubre at Nobyembre para sa mga maggugunita ng Undas dito sa probinsya.