DAGUPAN CITY- Mas pinaiigting ng SSS Dagupan ang kanilang inisyatibang ihatid ang kanilang programa sa pamamagitan ng paglilibot sa mga palengke.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jocelyn C. Lim, Assistant Branch Head ng Social Security System (SSS) Dagupan, ibinahagi niyang inisyatibong paglilibot ng kanilang opisina sa mga piling palengke sa mga bayan sa kanilang nasasakupan upang personal na maihatid ang kanilang mga serbisyo at programa.

Aniya layunin ng inisyatibong ito na mas mailapit ang SSS sa mga manggagawang abala at walang sapat na oras para asikasuhin ang kanilang mga benepisyo, partikular na ang mga vendors at nagtitinda sa palengke.

--Ads--

Dagdag pa niya, nakapunta na rin ang kanilang tanggapan sa iba’t ibang bayan noong mga nakaraang buwan, at inaasahang mas marami pang lugar ang kanilang mapupuntahan sa mga susunod na buwan.

Aniya, mahalaga ito lalo na sa kanilang pagtanda, dahil maaaring magsilbing proteksyon at suporta ang mga benepisyong kanilang makukuha.

Ang nasbaing hakbang ay bahagi ng patuloy na kampanya ng SSS na gawing mas accessible at inclusive ang kanilang mga serbisyo para sa lahat ng sektor ng lipunan.