Mga kabombo! Ang Convenor ng Kontra Daya ay isa sa mga produktibo lalo na ngayong nalalapit na 2025 midterm elections.
Kung kaya’t makikilala natin ang isang Convenor ng Kontra Daya at isang guro o professor mula sa Unibersidad ng Pilipinas.
Si Professor Danilo Arao, ay kasalukuyang naninilbihan sa mga nasabing serbisyo.
Kung saan nag-umpisa ito noong 1990 bilang development worker sa ilang Non-government Organization, at bilang isa ring patnugot sa isang socio economic data foundation ng 7 taon.
Dito ibinahagi ni Arao ang maituturing na satisfying na parte sa kaniyang propesyon, gaya na lamang ng pagtutulong nito upang mahubog ang opinion ng publiko at pagkatuto ng kaniyang mga estudyante bilang isang guro.
Isa naman sa kaniyang inspirasyon upang magputloy pa ay ang kaniyang pagiging isang impluwensya sa mga kabataan at dagdag pa ang impact nito sa kaniyang mismong anak at asawa na nagpapakita ng pagpapahalaga.