Tataas ang presyo ng langis bago matapos ang Abril dahil sa hindi tiyak na suplay dulot ng parusang ipinataw ng U.S. sa oil shipping network ng Iran, ayon sa Department of Energy nitong Biyernes.

Ayon kay Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, posibleng umento sa Abril 29 ay:

Gasolina – ₱0.80–₱1.40/litro

--Ads--

Diesel – ₱0.40–₱1.00/litro

Kerosene – ₱0.50–₱0.70/litro

Noong Martes, pinatawan ng U.S. Treasury ng parusa si Seyed Asadoollah Emamjomeh at ang kanyang kumpanya dahil sa pagpapadala ng LPG at krudo ng Iran sa ibang bansa upang makaiwas sa U.S. sanctions.

Dagdag na dito ay ang mababang oil inventory sa U.S., na nagpapahiwatig ng mas mataas na demand.