Bumaba ang  produksyon ng talong sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng bombo radyo Dagupan,  marami sa mga magsasaka ay hindi na nagtanim ng talong simula nang bumaba ang presyo ng gulay dahil sa over supply.

Mula sa P40-P45 ang presyo ng kada kilo nito ay mabibili na lang ang kada kilo ng talong  sa P20-P25.

--Ads--

Para hindi malugi ang mga magsasaka ay tinaniman na ng ibang high value crops ang  halos kalahati sa ektaryang taniman ng  talong sa nasabing bayan.

Gayunman,  top producer pa rin ng talong ang bayan ng Villasis  dito sa lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng pagbaba ng produksyon.