Dagupan City – Bumaba ang produksyon ng mga gulay dahil sa pabago-bagong klima na ating nararanasan.
Ayon kay Engr. Rosendo So – Chairman, Samahang Industriya ng Agrikultura, isa sa mga dahilan na ito ay ang iregular na pag-uulan. Kung kaya’t dahil dito, inaasahan na sa buwan ng pebrero ay balik normal na ang presyo ng mga gulay.
Sa kabilang banda, ang presyo naman ng kamatis ay umaabot na lamang sa P100, habang inaasahan na bababa pa ito sa P50 hanggang P60 sa huling linggo ng enero at posible pang maging P25 na lamang ito sa buwan ng Pebrero.
Isa naman sa nakikitang dahila ni Roberto Padilla – High Value Crops Development Program, Municipal Coordinator, DA-Villasis, ay ang sunod-sunod na bagyo noong nakaraang taon na siyang dahilan kung bakit nasira ang mga unang tanim.
Pagdating naman sa lawak ng produksyon ng talong sa nakaraang taon, ito ay nasa 400 ektarya para sa year-round cropping. Ang average yield nito ay nasa 25 hanggang 30 tondelada kada ektarya, at kung mabibili ito sa mga mismong magsasaka, ang presyo nito ay nasa P80 hanggang P100, kung dadalhin naman ito sa merkado o sa Villasis Bagsakan, aabot na ito sa P110 hanggang P120.