DAGUPAN, CITY— Problemang personal at sa relasyon ng kanyang live-in partner ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng isang 37 anyos na lalaki sa brgy Talibaew sa bayan ng Calasiao.

Ayon kay PLTCOL Ferdinand De Asis, ang hepe ng Calasiao PNP alas 7 ng gabi noong Agosto 12 nang makitang nakasabit pa ito sa ginamit nitong lubid ang biktima na kinilalang si Roberto Garon nang ito ay datnan ng mga kapulisan sa kanyang tinitirahang bahay.

Salaysay umano nang kanyang live-in partner na si Jennelyn Rosario, noong mga nakaraang araw pa lamang umano ay nakita niya nang umiinom ng alak mag-isa ang kanyang kinakasama at nang kanya umanong tangkang hihiwain ang kanyang pulso gamit ang isang bladed object ngunit napigilan pa niya ito.

--Ads--

Aniya, kapag nakakainom umano ang biktima ay sinasabi nito na gusto na niyang mamatay dahil sa kanyang mga kinakaharap na mga problema.

Saad pa ni De Asis, sinabi umano ng pamilya ang kawalan na nila ng interes sa naturang kaso ngunit ngunit magsasagawa pa rin umano sila ng imbestigasyon kaugnay sa nabanggit na insidente.