Umaasa ang Teachers Dignity Coalition na matutugunan ang problema hinggil kakulangan ng school principal po sa ating bansa.

Ayon kay Benjo Basas- Chairperson ng Teachers Dignity Coalition tinatayang nasa 25, 000 na paaralan sa bansa ang walang mga principal na may plantilla item.

Ito ay marahil kahit pasado na ang mga ito sa National qualified examination ngunit hindi pa naa-absorb ng Department of Education.

--Ads--

Habang ang iba naman ay mayroong sampu hanggang pababa lamang na mga guro kaya’t hindi maqualify ang mga ito na bigyan ng principal lalo na sa mga paaralan sa nayon.

Dahil dito ay mga Officer-in-Charge o Head Teachers ang namumuno sa kanila.

Bukod dito ay may mga paaralan din sa mga urban areas na walang principal.

Pagbabahagi pa nito na kahit mayroong suplay o bilang ng mga qualified para maging principal ay hindi naman ito naididistribute ng maigi lalo na rin at hindi rin madami ang pangangailangan.

Samantala, buo naman ang pag-asa nila na matutugunan agad ang nasabing problema at makapag-plano ang kagawaran kung paano ito maresolba.