Dagupan City – Naaresto sa buy-bust operation sa bayan ng Binalonan ang isang 49-anyos na lalaki na kasalukuyang nasa ilalim ng probation dahil sa isang kaso ng ilegal na droga.
Nagsagawa ng operasyon ang Binalonan MPS sa koordinasyon ng PIU, Pangasinan PPO at PDEA RO1.
Nakumpiska sa suspek ang sumusunod ang 2 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na PhP13,600.00, nakalagay sa dalawang heat-sealed transparent plastic sachet, dalawang piraso ng PhP1,000.00 at isang piraso ng PhP100.00 (boodle/buy-bust money), Dalawang piraso ng 12-gauge shot-shells, at isang unit na black LG cellular phone.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Binalonan MPS ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms.










