Paunti unti ng napupuno ang mga private hospital dito sa lungsod ng Dagupan.
Sa ulat ni Dagupan city mayor Mark Brian Lim, hindi dahil sa mga moderate at severe cases na nanggagaling sa lungsod at lalawigan ng Pangasinan kundi dahil sa pagdadala dito ng mga pasyente mula sa Manila.
Nabatid na marami ng pasyente na galing sa NCR ang nagpapagamot sa mga hospital sa ciudad.
Wala umano tayong choice kundi tangapin sila dahil punuan na ng pasyente ang mga hospital sa NCR bubble.
Naghahanap umano ang mga nagkakasakit sa NCR ng mga hospital sa labas.
Paliwanag ng alkalde na obligasyon ng mga ospital na tumanggap ng kahit sinumang pasyente na nangangailangan ng medical emergency services.
Samantala, dahil sa kakulangan na ng health care workers sa NCR, may binuo ng grupo ang Region I Medical Center o RIMC na pinadala sa NCR upang makatulong sa mga kapwa medical frontliner.