BOMBO DAGUPAN – Inihayag ni ,, ang Princess of Wales na may magandang progreso sa kanyang pagpapagamot mula sa cancer, at siya ay dadalo sa royal event ngayong Sabado ang pagdiriwang ng kaarawan ni King Charles III.

Ito ang kanyang unang public appearance mula ng inanunsyo ang pagkakadiagnose sa sakit na cancer.

Inaasahang lalabas siya sa balkonahe ng Buckingham Palace kasama ang maharlikang pamilya sa Trooping the Colour, sa parada ng kaarawan ng hari.

--Ads--

Matatandaan na si Catherine, ay na-diagnose na may cancer at siya ay sumasailalim sa chemotherapy.

Inaasahan namang magpapatuloy pa ang kanyang paggamot sa loob ng ilang buwan.

Samantala, ayon naman sa tagapagsalita ng Buckingham palace, natuwa si King Charles III na marinig ang nasabing balita.