DAGUPAN CITY — Nagawa pang pagnakawan ng primary suspek na si Bryan Dioquino sa pagpatay sa umanoy dati niyang kasintahan, ang kaibigang nagpatuloy sa kaniya matapos na magtago sa nagawang krimen.

        Sa patuloy na pagtutok ng Bombo Radyo Dagupan news team, nakilala si Mark Razel Basa, ang kaibigan ng suspek na walang kaalam-alam na wanted person pala ang pinatuloy niya sa kaniyang tahanan sa loob ng isang linggo sa Brgy. Bolosan, Dagupan City.

        Tinangay umano ni Dioquino ang laptop na binili niya sa kaniyang kapatid pang-online class na nagkakahalaga ng halos P20,000 at cellphone na nagkakahalaga naman ng P8,000.

--Ads--

        Nang malaman ng biktimang si Basa na pinaghahahanap pala ng kapulisan ang kaibigan ay agad itong nagsabi na umalis na lamang upang hindi madamay.

        Ngunit, sa pag-alis nito ay sabay naman niyang tinangay ang mga nabanggit na gadgets habang siya ay natutulog.

        Nasambit din umano ng suspek na hihingi ito ng tulong sa kaniyang pinsan na hepe aniya sa Maynila.

        Huli namang na-trace ang ninakaw nitong cellphone sa lungsod ng Urdaneta, kaya’t posibleng hindi pa umano ito nakakalabas ng probinsiya.

Bahagi ng pahayag ni Mark Razel Basa sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan

         Samantala, inihayag ni Police Lt/Col. Ferdinand De Asis, COP Calasiao PNP patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng kanilang hanay sa iba pang police stations upang madakip na si Dioquino, pati na ang isa pang at large suspect na si Marlon Nipal, habang ang isa na si Rexmond Layno A.K.A. Damon ay nauna ng sumuko sa kapulisan.

Bahagi ng pahayag ni Police Lt/Col. Ferdinand De Asis, COP Calasiao PNP Basa sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan

        Matatandaang pinagnakawan at pinagsasaksak hanggang sa bawian ng buhay ang biktimang si Margarette Abulencia na residente ng Brgy. Quesban, Calasiao ng mga suspek habang nakainom ang ito at posibleng pa umanong nasa impluwensya rin ng ilegal na droga. (With reports from Bombo Maegan Equila)