Nagpapatuloy pa rin ang pakikibaka sa karapatang pantao ng LGBTQ community lalo ngayong buwan ng Hunyo bilang Pride Month.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jhay de Jesus, Spokesperson ng True Colors Coalition (TCC), ibinahagi nito na sa buong buwang ito ay araw-araw silang maglalabas ng mga kataga ng pag-asa, pagpapatibay ng loob, at maging ng mga katagang nagsasalamin sa kanilang hirap.

Ito umano ay upang maipakita nila ang kanilang pakikiisa sa lahat ng mga miyembro ng kanilang komunidad, gayundin upang maipamalas aniya sa lahat na hindi tumitigil ang kanilang samahan sa pakikipag-punyagi sa kanilang mga karapatan.

--Ads--
Tinig ni Jhay de Jesus

Napakahalagang pagkakataon umano ng Pride Month upang kanila ring maipalas ang paggunita sa katapangan ng mga miyembro ng LGBT community.