DAGUPAN CITY- Naalarma ang mga guro at mag-aaral sa isang pribadong paaralan, matapos kumalat sa social media ang isang post mula sa isang hindi kilalang dump account na naglalaman umano ng banta ng pambobomba ngayong umaga sa bayan ng Mangaldan
Bunsod nito, agad na ipinatigil ang klase bilang pag-iingat at para tiyakin ang kaligtasan ng mga nasa loob ng paaralan.
Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad upang masuri at imonitor ang lugar.
Ayon sa hepe ng Mangaldan Police na si PLt.Col. Perlito Tuayon, magsasagawa ng imbestigasyon ang kanilang legal device group upang matukoy kung sino ang nasa likod ng naturang post na nagdulot ng takot at pagkaalarma sa mga estudyante at kawani ng paaralan.
Tiniyak naman ng PNP katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno na masusi nilang lilinisin at sisiguruhing ligtas ang paligid ng paaralan bago payagang bumalik ang klase.
Kahit na walang nakitang bomba sa loob ng paaralan, tuloy-tuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pinapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at responsable sa paggamit ng social media at hiwag gawing biro ang ganito uri nang pananakot upang maiwasan ang pagkaalarma ng mga mag aaral.