Kasado na ang mga preventive measures na maaaring isagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC sa nalalapit na eleksyon maging sa paggunita ng Semana Santa.
Ito mismo ang nabatid kay Avenix Arenas, tagapagsalita ng PDRRMC Pangasinan.
Ayon sa opisyal, mayrooon na silang mga itinalagang medical station o mas kilala sa tawag na ‘mini hospital’ na siya umanong aaksyon sa mga taong nangangailangan ng medical assistance tulad na lamang ng mga masusugatan o di kaya’y maatake ng heat stroke sa daan.
Bukod pa rito, nailunsad na rin umano nila ang Pangasinan Safety and Emergency Response Command Control Communication Center PSERCCC kung saan ito umano ang titiyak sa seguridad ng mga turista o mga bakasyunista. Katuwang umano nito ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police o PNP pati na ang Philippine Coast Guard (PCG).
Giit ni Arenas na sa pamamagitan nito mas mapapadali ang pag tawag ng ating mga kababayan dito sa buong probinsya ng Pangasinan kung sakali mang sila’y nakararanas ng alanganing sitwasyon. with report from Bombo Lyme Perez