Prevention ang pinakamagandang measure para maiwasan ang anumang sakit na dala ng mainit na panahon.

Yan ang ibinahagi ni Dr. Glenn Joseph Soriano – US Doctor and Natural Medicine Advocate hinggil sa mataas na temperatura sa bansa kung saan nagdudulot ito ng panganib sa kalusugan ng tao.

Aniya lahat ng sakit na dulot ng mainit na panahon ay dahil sa kakulangan lamang ng prevention gaya na lamang ng preventive hydration.

--Ads--

Kapag natutuyo ang katawan ng tao ay papasok lahat ng uri ng sakit, bumababa din ang immune system kaya’t mainam na uminom ng isang baso ng tubig kada oras.

Kaugnay nito ay malaki din ang pangamba na magkaroon ng heat stroke kung saan kadalasan ang mga may edad na ang tinatamaan nito.

Marahil habang tumatanda ang isang tao aniya ay nababawasan ang water content ng katawan.

Kaya’t kailangang maging informative lalo na sa mga seniors na hindi alam na may pre-existing conditions.

Payo naman nito sa publiko na ugaliing magdala ng tubig kapag lalabas, magkaroon ng proper hydration at umiwas sa mga pagkain na mas maaaring makapagpalala ng kondisyon.