Pagkatapos ng isang round ng rollback sa pinakaunang linggo ng 2025, nagbabadya namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.

Ang tinantya pagsasaayos ay ang mga sumusunod:

Gasoline – pagtaas ng P0.40 hanggang P0.70 kada litro

--Ads--

Diesel – pagtaas ng P0.75 hanggang P1.00 kada litro

Kerosene – pagtaas ng P0.70 hanggang P0.80 kada litro

Ito ay batay sa internasyonal na kalakalan sa nakalipas na apat na araw.

Kung saan binanggit ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero ang mga sumusunod na pag-unlad bilang mga salik na nakaimpluwensya sa presyo ng petrolyo:

Gaya na lamang ng pagpapalawig ng OPEC+ ng 2.2 milyong bariles bawat araw na pagbawas sa produksyon hanggang Abril 2025.