Magtataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong darating na linngo, pagkatapos ng dalawang linggong rollback, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Assistant Secretary Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng DOE na maaaring tumaas ang presyo ng mga sumusunod na halaga:

Gasolina – P0.40 hanggang P0.90 kada litro

--Ads--

Diesel – P0.00 hanggang P0.40 kada litro

Kerosene – P0.00 hanggang P0.20 centavos kada litro

Dagdag pa nito na ang hakbang ng US Federal Reserve na bawasan ang rate ng interes ay nagpalakas ng demand, na nagpapataas naman ng mga presyo ng produktong petrolyo.