Muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo bukas kasabay sa pagpasok ng buwan ng Pebrero, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa isang abiso, sinabi ng Shell Pilipinas Corp. na magtataas ito ng presyo kada litro ng P0.80 sa gasolina, P1.60 sa diesel, at P1.10 sa kerosene.

Ipapatupad ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga, Pebrero 3.

--Ads--

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang iba pang kompanya ng langis hinggil sa kanilang mga magiging price adjustments para sa linggong ito.