Hiniling sa pamahalaan ng hanay ng mga magtitinapay na maitaas ng presyo ng tinapay mula P3 hanggang P5 sa gitna ng tumataas na halaga ng raw materials na ginagamit sa paggawa ng pandesal.

Ayon kay Chito Chavez, Presidente ng Panaderong Pilipino & Owner of Tinapayan Festival, maghahatid sila ng sulat sa Malakanyang upang ipaabot kay pangulong Ferdinand ” BongBong” Marcos Jr. ang hinaing ng mga magtitinapay.

Giit niya na hindi kikita ang mga producer ng tinapay kung manananatili ang mababang presyo ng pandesal. Kung mananatili ang presyo ng tinapay ay malulugi na ang mga panaderya at baka humantong sa pagsasara nila.

--Ads--

Umaasa sila na mauunawaan naman sila ng mga mamimili dahil nagsitaasan na ngayon ang presyo ng mga bilihin.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng regular na pandesal ay nasa P2 hanggang P2.50 kada piraso.

TINIG NI CHITO CHAVEZ

Payo naman niya sa ibang magtitinapay na huwag paliitin o bawasan ang timpla ng pandesal. Hanggat maaari aniya ay panatilihin ang standard ng itsura at laki ng tinaguriang pambansang tinapay.