DAGUPAN CITY–Tumaas ang presyo ng palay na umabot ng P22 kaya inaasahan na ang presyo ng bigas ay aabot naman sa P39-P40.

Ayon kay Engr. Rosendo So, ang chairman ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura, ang dahilan ng pagsirit ay dulot ng napakataas na presyo ng pataba at produktong petrolyo.

Inihalimbawa niya ang presyo ng pataba na dati nasa P950 pero nasa P2,500 na ng halaga ng kada sako ngayon kung saan nasa 2 hangang 3 beses ang itinaas ng presyo.

--Ads--

Naniniwala naman si So na sa susunod na a taon, baka bumaba sa P27 ang presyo ng bigas kung tama ang direksyon sa produksyon.

Samantala, may payo naman si So sa mga magsasaka na habang nag hihintay ng pag aani ng palay ay magtanim din ng mga gulay.

Nagbabala siya sa mga magsasaka na maymga fake na fertilizer na kumakalat ngayon sa lalawigan ng Pangasinan.

Katunayan ay may mga nahuli na nagbebenta ng fake fertilizer.