Dagupan City – Ramdam na sa mga pamilihan sa lalawigan ng pangasinan ang unti-unting pagtaas ng presyo ng prutas ngayong holiday season.

Sa unang linggo ng Disyembre, naitala ang paggalaw ng presyo ng ilang prutas, na may dagdag na lima hanggang sampung piso bawat kilo sa piling produkto.

Batay sa pahayag ni Jonalyn Sarmiento, isa sa mga nagtitinda, nagsimula ang pagtaas kasabay ng pagmahal ng gasolina at ng karaniwang pag-igting ng demand tuwing papasok ang kapaskuhan.

Dagdag pa rito, umaasa ang mga tindahan sa suplay na inaangkat mula sa Urdaneta City, na may epekto rin sa gastos sa transportasyon.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 180 pesos ang kilo ng malalaking hinog na mangga, habang nasa 150 pesos naman ang mas maliliit.

Ang green grapes na dating 240 pesos ay nasa 280 pesos na ngayon.

--Ads--

Kabaligtaran naman ang galaw ng presyo ng mansanas dahil nasa peak season ang suplay: 3 isang daan ang bentahan dito

Bagama’t hindi pa ganoon kalakas ang bentahan, inaasahang ng nga nagtitinda na lalakas ang bentahan sa mga susunod na linggo habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon.

Kasabay nito, inaasahan ding maaari pang gumalaw paitaas ang presyo ng ilang prutas.