DAGUPAN CITY- Nananatiling pareho ang presyo ng mga bulaklak sa mga pamilihan ng Dagupan City ngayon bisperas ng Valentine’s Day.

Ayon kay Cristal Soy, isa sa mga nagtitinda ng bulaklak sa lungsod, walang pagtaas sa presyo ng bulaklak ngayong valentines day katunayan aniya, may mga nauna na rin umorder ng mga bulaklak para i-claim bukas para na rin umano maiwasan ang siksikan bukas sa pamimili nito.

Samantala, para naman sa mga pangunahing tindahan ng bulaklak, ang presyo ng mga imported na bulaklak ay nagsisimula sa 250 pesos kada stem para sa Stargazer, 50 pesos para sa Carnation at Gerbera, at 150 pesos para sa Ecuadorian Roses at Tulips kada stem.

--Ads--

Habang ang presyo ng Sunflower ay nasa 1500 pesos bawat bouquet, samantalang ang tatlong piraso ng tulips ay nagkakahalaga ng 800 pesos. Para naman sa mga rosas, ang isang dosenang rosas ay umaabot sa 3,000 pesos at ang kalahati ay nasa 1,500 pesos.

Mahalaga ring tandaan bukas, February 14, ay Araw ng mga Puso, kaya inaasahan ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga tindahan ng bulaklak kaya’t nagpaalala si Soy na mag-ingat ang mga mamimili, lalo na sa mga oras ng pagsisiksikan sa mga shop.