Dagupan City – Bahagyang tumaas ang presyo ng manok at itlog matapos ang nagdaang bagyo dahil na rin sa kakulangan sa produksyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), inilahad nito na kung titingnan kasi ang food chain, makikita na maliit ang produksiyon ng manok at itlog sa loob ng 30 araw.

Ayon naman sa datos mula sa Department of Agriculture (DA), bumaba ng halos 12% ang produksyon ng broiler chicken ngayong Hulyo 2025 kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.

--Ads--

Samantala, ang produksyon ng itlog ay bumaba rin ng 8.5% batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Samantala, hinggil naman sa produksyon ng gulay nananatili naman aniya itong sapat.

At sa katunayan aniya, kaunti lang ang naging pagtaas ng presyo nito sa kabila ng naranasang bagyo at habagat.