Tumaas ang presyo ng karne ng manok sa pamilihang bayan ng Mangaldan.

Mula sa dating P130 hanggang P140 kada kilo, nasa P150 hanggang P160 na ang presyo nito.

Ayon sa mga nagtitinda, ang pagtaas ng presyo ay sanhi ng nararanasanag inflation.

--Ads--

Bukod naman sa manok, nagsimula na ring tumaas ang presyo ng karne ng baka na umabot na sa P350 pesos per kilo.

Itinuturo namang dahilan sa pataas ng presyo sa karne ng baka ang ipinatutupad na ban sa pag-aangkat ng karne mula sa ibang bansa dahil na rin sa banta ng African Swine Fever o ASF.