Nakaambang tumaas ang presyo ng kape sa bansa sa mga susunod na araw.
Ayon kay Philippine Coffee Board (PCB) president at co-chair Pacita Juan, maaaring tumaas ng humigit-kumulang 20 porsiyento ang presyo ng kape dahil sa mahigpit na global supply at mas mataas na halaga.
Ngunit makikinabang umano rito ang mga magsasaka kung makakagawa rin sila ng magandang kalidad ng coffee beans.
Aniya, ang farm-gate price ng robusta, ang pinaka pinoprodyus na uri ng kape, ay dumoble sa P350 kada kilo mula sa P180 samantalang pumalo naman sa P320 per kilogram ang commercial-grade coffee.
Base naman sa inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) na suggested retail price o SRP ng kape noong nakaraang buwan, ang 25-gram coffee refill ng Blend 45 ay tumaas ng mahigit P2, mula sa P18.50 ay naging P20.25.