BOMBO DAGUPAN – Nagmahal ang retail price ng gulay sa Metro Manila kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Ayon sa monitoring ng Department of Agriculture, aabot sa P30 ang iminahal ng mga gulay.
Umabot sa P80-P150 ang presyo ng kada kilo ng repolyo mas mataas kumpara sa presyo noong nakaraang linggo na nasa P60 -P120 lamang.
Umakyat naman ang presyo ng kada kilo ng carrots sa P110-P150 pesos mula sa dating P100-P160 lamang.
Ang green bell pepper naman na dating nasa P170-P300, ay tumaas sa P180-P360.
Samantala,naglalaro naman sa P250 -P500 kada kilo ang presyo ng sili.
Sa datos ng ahensya, tinatayang lumobo na sa mahigit P143-M ang pinsala ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura sa Bicol Region, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas at SOCCSKSARGEN.
HIndi pakasamasa datos ang ibang mga lalawigan na nasalanta ng bagyo.