Nakatakdang magpatupad ng pagsasaayos ng petrolyo ngayon linggo kung saan muling magkakaroon ng pagtaas ang gasolina para sa ikatlong pagkakataon, habang ang diesel at kerosene magkakaroo ng roll back sa pangalawang pagkakataon.

Sa magkahiwalay na abiso, magtataas ang Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp. ng pagtaas sa presyo kada litro ng gasolina ng P0.40, habang babawasan naman ng P0.50 ang diesel, at P0.75 ang kerosene.

Magkakabisa ang mga pagbabago bukas ng alas-6 ng umaga, araw ng martes para sa lahat ng kumpanya maliban sa Cleanfuel na magsasagawa ng pagsasaayos sa oras ng alas-dose ng madaling araw sa parehong araw.

--Ads--

Ang ibang mga kumpanya ay hindi pa nakakagawa ng mga katulad na anunsyo para sa linggo.

Samantala, ang mga kumpanya noong nakaraang linggo ay nagtaas ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.90, habang ang diesel ng P0.20, at kerosene ng P0.40.