Sa kabila ng patuloy na pangako ng gobyerno na pababain ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, nananatiling mataas pa rin ang presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay Cathy Estabillo Spokesperson, Bantay Bigas ang sinasabing “P20 rice” ay eksklusibong matatagpuan lamang sa mga Kadiwa centers, at kinakailangan pa ng valid ID at pagpila upang makabili.

Bagama’t ay sinabi ng Department of Agriculture (DA), kaya umanong isustain ang P20 kada kilo, ngunit tanging sa Kadiwa centers lamang ito mananatili.

--Ads--

Kapag naubos ang itinalagang alokasyon para sa bawat benepisyaryo, mapipilitang bumalik ang mamimili sa regular na merkado.

Bagama’t layunin ng Kadiwa program na maging abot-kaya ang pagkain para sa mahihirap, ani Estabillo na ito ay hindi sapat na tugon sa krisis sa agrikultura at sa patuloy na kagutuman na nararanasan ng maraming Pilipino.

Dagdag pa rito, hindi rin umano makabili ang National Food Authority (NFA) ng sapat na bigas upang makabuo ng buffer stock at kailangang pa ring dalhin ang supply sa mga bodega, sa halip na maipamahagi nang mas mabilis sa mga nangangailangan.

Sa kasalukuyan, mababa pa rin ang produksiyon ng bigas sa bansa, dahilan upang umasa sa importasyon at magtaas ang presyo.

Saad ni Estavillo na kayang itaas ang produksyon kung bibigyan ng tamang suporta at programang pang-agrikultura ang mga magsasaka.

Samantala, habang papalapit ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, umaasa ang marami na tatalakayin ang konkretong solusyon sa krisis sa agrikultura, lalo na sa usapin ng bigas, at hindi lamang panandaliang subsidyo.