DAGUPAN CITY- Bumaba ang presyo ng bangus sa merkado, dahil sa nararanasang pagbuhos ng malakas na ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Christopher Aldo Sibayan, Presidente ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA), mula sa dating presyong ₱175 kada kilo, bumaba ito sa ₱155 na lamang ito.

Aniya, kahit pa nakapaghanda ang mga miyembro ng samahan para sa tag-ulan, hindi nila inasahan ang biglaang pagtaas ng tubig na nakaapekto sa kanilang produksyon.

--Ads--

Sa kabila nito, tiniyak niya na patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga kasapi upang mapaghandaan ang mga ganitong sitwasyon.