DAGUPAN CITY- Kahit pa nagsimula na ang holy week at ang paunti-unting pagdami ng mga bumibili ng mga isda sa Magsaysay fish market dito sa lungsod ng Dagupan lalong lalo na ang produktong bangus.
Ayon kay Marlon Barcena – Market Inpector sa Magsaysay Fish Market na sa ngayon ay naglalaro lamang sa 160-170 kada kilo ang presyuhan ng bangus.
Tiniyak naman nila na walang magiging problema sa pagbebenta nito dahil bago pa sumapit ang holy week ay marami na ang nahaharvest.
Kaugnay nito ay mahigpit din nilang minomonitor ang mga nagbabagsak ng mga isda sa loob upang masiguro na ligtas at sariwa pa ang mga ito.
Sa ngayon ay mahigpit nilang pinapasok ang mga shellfish products na mula sa bayan ng Bolinao at Anda dahil na rin sa inilabas ng BFAR na nagpositibo ito sa red tide toxin.
Bukod dito ay kanila rin pinaghahandaan ng pagselebra ng Bangus Festival dahil marami ang darating na mga bisita kaya sinisiguro nila ang suplay ng bangus at ibang mga isda dito sa Dagupan.