Nananatiling matatag ang supply ng bangus sa lalawigan ng Pangasinan kahit tinamaan ang probinsya ng nagdaang bagyo.
Ayon kay Julius Benagua, Core Member ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA), marami ang suplay ng bangus at nananatili ding normal ang presyo nito sa mga consignacion na inaasahan na aabot hanggang buwan ng Disyembre.
Kung may naapektuhan ay yun lamang mga binahang palaisdaan kung saan ay may mga namatay na fingerlings matapos ang bagyo dahil sa kulay brown na tubig galing sa taas.
Gayunman hindi ganun kalaki ang epekto ng kalamidad dahil hindi naman sentro ng bagyo ang lalawigan.
Sa katunayan ay medyo tumaas ang bentahan ng ng feeds na nangangahulugan na namarami pa ring bangus sa mga fishcages at fishpond.
Samantala, pabor si Benagua sa pagtatakda ng scheduled harvesting upang maiwasan ang over supply ng bangus.
Magugunita na noong nakaraang taon ay sadsad ang presyo ng bangus dahil sa sobrang dami ng bangus sa merkado.
Ang scheduled harvest ay magpapanatiling matatag at maprotektahan ang interes ng mga magbabangus.
Sinabi ni Benagua na pabor ito sa mga magbabangus upang mabawi nila ang pagkalugi.
Sa ibang bahagi ng bansa ay nag uusap aniya ang mga operators doon kung kailan ang kanilang pag ani upang hindi bumaha ang supply sa merkado.