Matindi umano ang nararanasan ng Pilipinas sa China dahil sa pinag-aagawang karagatan.
Sinabi ni National Defense Secretary Gilberto Teodoro na nakikita nilang tumataas ang demand ng Beijing para lamang isuko ng Pilipinas ang karapatang soberanya.
Dagdag pa niya na biktima ang Pilipinas sa karahasan ng China.
Samantala, batay sa monitoring ng Armed Forced of the Philippines, na umabot na sa 13,874 vessels ang namataan sa karagatan ng Pilipinas noong nakaraang buwan.
Kabilang sa mga ito ang 11,097 foreign vessels na kinabibilangan ng 15 China Coast Guard ships at 14 People’s Liberation Army Navy Ships. Habang 2,777 lamang ang domestic vessels.
Dagdag pa ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, 29 Chinese vessels ang namataan dumaan sa Bajo de Masinloc, Escoda Shoal, Julian Felipe Reef at Iroquois Reef. Aniya hindi stationary ang mga vessels na ito.