Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Lingayen PNP sa pagpatay sa Presidente ng Lingayen-Dagupan Transportation Cooperative matapos itong pagbabarilin kagabi.

Naganap ang pamamaril sa biktimang si Petonillo,Castillo, 59 anyos na residente ng Camangaan St . Barangay Maniboc sa nabanggit na bayan sa bahagi naman ng Sto. Niño St Poblacion habang lulan ito ng hi-ace van sakay ang kaniyang asawa na si Evangeline , 52 anyos.

Tumigil umano ang kanilang sasakyan para bigyang daan ang iba pang sasakyan nang dalawang lalaki ang lumapit sakanila saka pinagbabaril ang biktima.

--Ads--

Nagawa rin umano nitong makaganti ng putok dahil dala nito ang kaniyang baril na may lisensiya at mayroon ring Permit to Carry Outside Residence (expiry date December 3, 2022) at License to Own and Possess Firearm (expiry date November 26, 2023).

Agad ding itinakbo ng kaniyang misis ang biktima ngunit ideneklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.