DAGUPAN, CITY—- Nangako na ng tulong si US President Joe Biden sa mga pasyente na natamaan ng Havana Syndrome sa Estados Unidos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Estela Fullerton mula sa Montana, USA ang pangakong ito ay sinabi ni Biden upang magbigay ng suporta sa mga indibidwal na taglay ang nabanggit na sakit at kaakibat din nito ang pag-iimbestiga nila tunay na rason ng pagkakaroon ng isang taon ng naturang karamdaman.

Hanggang sa ngayon kasi ay wala pa ring malinaw na dahilan ang mga siyentipiko sa tunay na pinanggalingan nito bagaman ito ay unang natukoy na nagsimula sa Havana, Cuba noong 2016.

--Ads--

Aniya, marami umano ang mga kumakalat na mga teorya sa dahilan ng pagkakaroon ng ganitong sakit gaya na lamang ng pagiging weapon act nito dahil karamihan sa mga natatamaan ay mga US Diplomats ngunit wala naman umano itong malinaw na basehan.

Matagal na ring pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang nabanggit na sakit ngunit dahil umano sa pagkakaroon ng iba’t ibang epekto nito sa mga tao na natatamaan nito ay hirap umano silang matuloy ang tunay na pinagmulan nito.

Sa ngayon ay nasa 200 na katao na ang infected ng naturang sakit sa iba’t ibang lugar ngunit hindi naman umano ito nakakamatay.