DAGUPAN CITY— Nangunguna sa estado ng Texas si President Donald Trump kontra kay democratic bet Joe Biden sa nalalapit na US Election.

Ayon kay Bombo International Correspondent Hikaru Santos mula sa Austin, Texas kanyang sinabi na sa ngayon ay lamang pa rin sa Trump sa mga survey sa kanilang lugar.

Aniya, isa sa dahilan ay isang republican state ang Texas at kita naman umano ng mga mamamayan roon ang mga magandang nagawa ng naturang pangulo.

--Ads--

Bagaman may ilang mga negatibong mga ulat ukol kay Trump, naniniwala si Santos na maayos ang pamamalakad nito lalo sa aspeto ng legal migration, mababang buwis, mababang unemployment rate, at tumaas aniya ang kanilang ekonomiya.

Tinig ni Bombo International Correspondent Hikaru Santos mula sa Austin, Texas

Bukod pa riyan, gusto rin umano ni Trump na maging mas indepedent ang kanilang bansa dahil aniya gusto lamang ng kasalukuyang presidente na magtrabaho ang mga amerikano dahil dapat lahat umano ay manggaling sa amerika at hindi dapat umaasa sa ibang bansa gaya ng China.

Tinig ni Bombo International Correspondent Hikaru Santos mula sa Austin, Texas

Sa ngayon, nasa 48% ng mga botante doon ay pabor kay Trump, habang 45.4% naman kay Biden.