DAGUPAN CITY- Hindi makokontrol ng China ang Escoda Shoal sa West Philippine Sea kung magpapatuloy na ipapakita ng Pilipinas ang kanilang presensya.
Ayon kay Fernando Hicap, chairperson ng PAMALAKAYA, sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, higit na kailangan ipagpatuloy ng Pilipinas ang pagpapatrol ng mga law enforcement sa West Philippine Sea.
Sinasang-ayunan niya ang Armed Forces of the Philippine na hindi nila hahayaan ang karagatan ng Pilipinas dahil nakabatay naman sa International law at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ipinaglalaban ng mga ito.
Ngunit, huwag lamang hayaan ng gobyerno ng Pilipinas na masuyo sa tulong ng Estados Unidos dahil para lamang din ito sa kanilang sariling interes.
Bukod sa maaaring maugnay umano ito sa giyera, mas mabuting idaan na lamang ng Pilipinas sa mapayapang pakikipag-usap sa China.