Mga kabombo! Excited na ba kayong umuwi agad kahit hindi pa tapos ang trabaho?

Naku! Huwag naman sanang umabot sa ganitong paraan! Paano ba naman kasi, isang preschool teacher ang nagpainom sa mga studyante ng laxatives para makauwi ang mga ito nang maaga!

Ayon sa ulat, kinilala itong 23-anyos na daycare teacher sa St. Charles, Illinois.

--Ads--

Kung saan nadiskubreng sadya umano niyang pinapainom ng laxatives o pamparumi ang mga batang nasa kanyang pangangalaga upang mapauwi ang mga ito nang maaga.

Dahil dito kinasuhan si Yizel J. J. ng endangering the life or health of a child at attempted aggravated battery.

Lumalabas kasi sa imbestigasyon at bas na rin sa pag-amin ng guro na na “overwhelmed” o hirap na siya sa pag-aasikaso sa mga bata, kaya naisipan niyang samantalahin ang policy ng daycare.

Sa nasabing polisiya, kapag nagkasakit o nagka-diarrhea ang bata, kailangan itong sunduin ng magulang at hindi puwedeng pumasok sa loob ng 24 oras, na nagbibigay sa guro ng “free time.”

Dito na lumabas ang katotohanan matapos magreklamo ang ilang magulang na paulit-ulit na sumasakit ang tiyan ng kanilang mga anak, na pawang 2 taong gulang pababa.

Akala ng mga magulang ay virus o stomach bug lang ito, at ang iba ay nagpalit pa ng baby formula at nagpatingin sa doktor, ngunit negatibo ang mga resulta.

Hanggang sa ditona rin napag-alaman na niloloko ng guro ang mga bata na “candy” ang chewable laxatives.

Bagama’t nakalaya pansamantala habang hinihintay ang paglilitis, nagdulot ito ng long-term side effects sa mga biktima, tulad nang matinding constipation at withdrawal symptoms mula sa gamot.