Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mamamayan tuwing mayroong dumadaan na na mga kalamidad at lindol.

Ayon sa Pangulo na dahil sa nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas kaya nadadalas ang paglindol kaya mahalaga na paigtingin ang kahandaan sa kalamidad at pagresponde.

Ilan sa mga ipinaalala ng Pangulo ang pagkakaroon ng tamang plano kung sakaling magkaroon ng sakuna o paglindol.

--Ads--

Marapat na alam ng bawat miyembro ang kanilang pupuntahan kapag tumama ang lindol.

Pinaghahanda rin ng pangulo ang pagkakaroon ng Go-Bag na may laman ng mga importanteng magamit gaya ng pagkain, damit at mga dokumento.

Mahalaga din aniya na bawat Filipino ay huwag makinig sa ‘fake news’ para makakuha sila ng tamang impormasyon tuwing may sakuna.

Kaniya na rin nasabihan ang mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa mabilis na pagresponde tuwing mayroong sakunang nagaganap.