DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng tatlong-araw na pagsasanay ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up team mula sa Department of Agriculture upang mapalakas ang kaalaman ng mga lokal na opisyal at procurement officers sa bayan ng Bayambang ukol sa mga standardized na pamamaraan sa procurement.

Layunin ng aktibidad ang pagpapalawak ng kaalaman sa mga procurement processes.

Tinalakay dito ang mga legal na dokumento: kabilang ang PRDP Cross Reference Procurement Guidelines; Harmonized Philippine Bidding Documents; Integrated Management and Enterprise System; PhilGEPS Posting Procedure for Works; at Social and Environmental Safeguards Requirements.

--Ads--

Isinagawa rin ang pre-procurement conference para sa dalawang mega-projects ng LGU Bayambang: ang Phase 2 Pantol to San Gabriel 2nd Farm-to-Market Road na nagkakahalaga ng ₱319,180,000 at Onion Cold Storage na nagkakahalaga ng ₱246,015,000